Pawang Malaysian players ang bubuo ng Blustar Detergent na sasabak sa 2016 PBA D- League Foundation Cup sa Hunyo 2, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito ang kinumpirma ni coach Ariel Vanguardia matapos ihayag na hindi makakalaro ang kanilang mga reinforcement na sina Fil-Am Jason Brickman, at ang nakaraang ABL Finals MVP na si Fil- Canadian Matthew Wright.

"Yes, di na sila makakalaro.They are mulling offers to play in Europe," pahayag ni Vanguardia na sasandig na lamang sa core ng kanyang Wesport Malaysian Dragons, ang 2015 ABL champion.

Gayunman, dahil sa hindi na maglalaro sina Wright at Brickman, humingi ng reinforcement ang Blustar sa Blackwater.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"We'll get two players from Blackwater instead," ayon kay Vanguardia.

Bukod sa dalawang manlalaro sa Elite, inaasahang nangunguna sa Blustar ang mga pangunahing Malaysian cagers nito sina Loh Shu Fai at Meh Chee Kheun.

"It will be tough, but our real goal is to develop the Malaysian locals for this D League stint. Hopefully we can offer a different kind of play and give the D League teams a scare," aniya. (Marivic Awitan)