Tiniyak ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na itutuloy nila ang pagsasampa ng kasong graft and corruption sa Sandiganbayan laban kay Vice President Jejomar Binay kaugnay ng umano’y maanomalyang konstruksiyon ng Makati City Hall Building 2 na umabot sa P2.2 bilyon, pagbaba sa puwesto ng huli sa Hunyo 30.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Morales na ang paghahain ng mga kasong malversation at falsification of public documents ay naaayon sa prinsipyo na ang isang impeachable officer, habang nakapuwesto pa, ay hindi maaaring kasuhan sa korte sa isang pagkakasala na may katumbas na parusang pagpapatalsik sa puwesto.

Nitong Pebrero, naghain ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng kahalintulad ng kaso laban kay VP Binay, sa anak nitong si dating Makati Mayor Junjun Binay, at sa 22 dating opisyal ng siyudad na umano’y sangkot din sa naturang kontrobersiya.

Maaaring makapagpiyansa ang nakatatandang Binay at mga kapwa nito akusado sa tatlong criminal complaint.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Subalit sinabi ng sources na inihahanda na rin ng Ombudsman ang kasong plunder laban kay Binay at sa iba pang isinangkot sa maanomalyang proyekto at hinihintay na lang ang ulat ng Commission on Audit (CoA) sa resulta ng imbestigasyon nito upang matukoy kung lalagpas sa P50 million mark upang makasuhan ng plunder, na isang non-bailable offense. (JUN RAMIREZ)