Mayo 20, 2007 nang maisahimpapawid ang ika-400 episode ng sikat na cartoon series na “The Simpsons” sa Fox network.

Ikinokonsidera bilang unang prime-time sitcom cartoon simula noong 1960s, naging sikat ang “The Simpsons” dahil sa pagiging family-friendly nito. Tampok sa serye ang kakaibang buhay pamilya, at umani ng papuri mula sa mga kritiko dahil sa pag-iimpluwensiya sa pop culture.

Ang cartoon ay binuo ng comics creator na si Matt Groenig, at unang napanood sa Fox noong Disyembre 1989. Hiniling ng Hollywood producer na si James Brooks kay Groenig na gumawa ng maliit na cartoon, at nakumbinse ng una ang mga ehekutibo ng Fox na gawing 30-minutong programa ang show.

Tinalo ng “The Simpsons” ang “The Adventures of Ozzie and Harriet” bilang longest-running sitcom show, noong 2005.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Umani rin ito ng iba’t ibang Emmy Awards, at kinilala bilang “best show of all time” ng Time Magazine noong 1999.