Lalarga ang ikalawang season ng Spikers Turf, ang nag-iisang indoor commercial volleyball league para sa kalalakihan, sa Mayo 28, sa San Juan Arena.

Pangungunahan ng reigning Reinforced Conference champion Cignal ang anim na koponang kalahok na kinabibilangan ng Instituto Estetico Manila, Phl Air Force, Phl Navy, Bounty Fresh at isa pang koponan na isasabak ng bagong halal na Ormoc City mayor na si Richard Gomez.

Ayon kay organizing head Ricky Palou, ang Spikers’ Turf ay magsisimula ng 1:00 ng hapon kaalinsabay ng Shakey’s V-League.

“We believe in men’s volleyball that’s why we have the Spikers’ Turf,” aniya.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Inaasahan ding magiging matinding challenger para sa titulo ang Air Force at Navy na tumapos na ikalawa at ikaapat noong Reinforced Conference.

Ang Air Force ang lumaban sa finals ng Reinforced Conference kung saan nabigo sila sa Cignal na pinangunahan ni eventual Finals MVP Edward Ybanez. (Marivic Awitan)