Ipinagbunyi ng Malacañang ang pagpalo ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa 6.9 na porsiyento sa first quarter ng kasalukuyang taon bilang senyales na ang Pilipinas ang may pinakamalakas na ekonomiya sa Asya.
Ibinandera ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang paglakas ng GDP ng bansa sa mga huling araw ng termino ni Pangulong Aquino at umaasa na maipagpapatuloy ito ng susunod na administrasyon.
“We welcome this morning’s announcement by the National Economic and Development Authority (NEDA) that our country’s GDP growth reached 6.9 percent during the first quarter of 2016,” saad sa pahayag ni Lacierda.
“This is above market expectations, and is higher than the GDP recorded last quarter (6.5 percent) and also during the first quarter of 2015 (5.0 percent). Relative to other Asian economies that have already released their first quarter 2016 GDP growth data, the Philippines is now the fastest growing economy, followed by China (6.7 percent) and Vietnam (5.5 percent),” dagdag niya.
Aniya, ito ay patunay na tinupad ni Pangulong Aquino ang kanyang pangako na bababa sa puwesto at mag-iiwan ng malakas na ekonomiya kumpara sa kanyang inabutan sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan noong 2010.
“With our peers in the international community having acknowledged our progress, it is now up to the next administration to build on the gains we have recently achieved—so that they may further redound to our nation’s improvement, for the benefit of generations to come,” ayon kay Lacierda. (GENALYN D. KABILING)