Nakasiguro ng isang silya ang Pilipinas sa isasagawang beach volley competition ng 2016 Vietnam Asian Beach Games matapos makapagkuwalipika ang pares nina Jade Becaldo at Hachaliah Gilbuena sa paglahok sa huling leg ng AVC Tour sa Thailand at Indonesia.

Sinabi ni PSC beach volley consultant at regional coach Eric LeCain na nasungkit ng Pilipinas ang pinakahuling puwesto sa biennial meet nang pumuwesto sina Becaldo at Gilbuena sa ika-19 sa 17th AVC Samila Open, at Samila-Chang AVC Beach Volleyball Tour-Samila Open, at 15th sa Thailand at Palembang Open sa Indonesia.

“We finished 19th out of 49 teams in Thailand and then both 9th places in the Palembang Open,” sabi ni LeCain sa pag-okupa sa ika-12 at panghuling puwesto para sa mga bansa sa Asia na makakalahok sa ikalimang edisyon ng natatanging torneo na gaganapin sa unang pagkakataon sa Vietnam.

Ang ikalimang edisyon ng Asian Beach Games ay isasagawa naman sa Đà N ng, Vietnam simula Setyembre 24 hanggang Oktubre 3.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Paglalabanan sa torneo ang Muay, Aquatics, Waterpolo, Marathon Swimming, Rowing, Bodybuilding, Woodball, Basketball 3X3, Pencak Silat, Petanque, Shuttle Cock, Ju-Jitsu, Kurash, Vovinam, Beach Handball, Beach Kabaddi, Beach Sepaktakraw, Beach Socce, Beach Wrestling, Beach Volleyball, Beach Athletics, at Sambo.

Huling lumahok ang Pilipinas sa 2014 Asian Beach Games sa Phuket, Thailand kung saan iniuwi ni Maybelline Masuda ang unang ginto ng bansa sa women’s –50 kg Ju-jitsu, na sinundan ni Annie Ramirez sa women’s –60 kg Ju-jitsu. Ang ikatlong ginto ay nagmula kay Geylord Coveta sa sailing/windsurfing sa pagwagi sa RX One event. (Angie Oredo)