May pagkakataon na si coach Yeng Guiao na makasama ang pamilya para sa isang engrandeng bakasyon.

Nagawang malutas ni Guiao at ng kanyang Rain or Shine Painters ang ‘puzzle’ na inilatag ng Alaska Aces para tapusin ang best-of-seven series sa Game 6 at angkinin ang OPPO-PBA Commissioner’s Cup nitong Miyerkules ng gabi.

Sagana sa talento at matibay ang sistema ng Rain or Shine, ngunit para kay Guiao ang consistency sa kanilang layunin ang naghatid sa kanila sa pedestal at makamit ang kauna-unahang kampeonato sa huling apat na taon.

Matapos maantala ng dalawang ulit, bumulusok pababa ang mga lobo at confetti at pinagsaluhan ng Painters, mga tagahanga at pamilya ang panibagong tagumpay ng prangkisa.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“The ultimate reward for a coach is to win a championship. Ano pang gugustuhin mo? We are not the most talented team, but we are the most consistent. And one day, that consistency will lead to a championship,” pahayag ni Guiao.

“We were just looking to be consistent all the time.Whether we have injuries, whether we llose some players,it’s not the system, it’s our culture.We built a culture within the team.That is really the core of our existence,” aniya.

“The players knew what I require of them and they know each and everyone is dedicated to each other,” dagdag ni Guiao.

Dahil sa pagkaantala, nakansela ang biyaheng itinakda ni Guiao patungong London para ipagdiwang ang pagtatapos sa kolehiyo ng anak.

Ngayon, handa na ang lahat, sky is the limit ika nga para sa bakasyong hinahangad. (Marivic Awitan)