Pinuri ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang planong pagtutok ni presumptive president Rodrigo Duterte laban sa illegal recruiters.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples (ECMIP) ng CBCP, isang mabuting balita ito para sa mga overseas Filipino worker (OFW) at sa mga taong nagbabalak na mangibang-bansa upang maiwasang mabiktima ng illegal recruitment.
“Ito ay magandang balita para sa ating mga minamahal na OFW na sa panunungkulan ng ating bagong halal na pangulo ay kanyang parurusahan ang mga illegal recruiter,” sinabi ni Santos sa panayam ng Radyo Veritas.
Umaasa naman si Santos na mapapatawan ng kaukulang parusa ang mga mahuhuling illegal recruiter upang magtanda.
(Mary Ann Santiago)