Nyquist-051916 copy

BALTIMORE (AP) — Hindi pa man nagaganap ang Preakness – ikalawang major derby sa US horse racing – tila tumama na ng jockpot ang may-ari nitong si Doug O’Neill.

Abot-tainga ang ngiti ni O’Neill nang mabunot ang pamosong Nyquist bilang No.3 sa ginanap na lottery draw para sa Preakness nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

“The 3 is exactly what I wanted,” pahayag ni O’Neill.

NASA, inilabas larawan ng 'Christmas tree' mula sa kalawakan

We’re very optimistic that we’re going to break good and get into position.”

Wala pang talo sa nakalipas na walong karera, kabilang na ang major Kentucky Derby, tangan ng Nyquist ang 3-5 favorite sa 11 pangarerang kabayo na sasabak sa karera sa Sabado (Linggo sa Manila).

Ayon kay Hall of Fame trainer Bob Baffert, nangangasiwa kay Collected, na mas magiging kapana-panabik ang labanan.

“I’d probably be surprised if he didn’t win,” pahayag ni Baffert patungkol kay Nyquist. “He’s going to be tough to beat.”

Nasa No.3 rin ang Secretariat nang magwagi sa 1973 Preakness, habang ang California Chrome ang huling nagwagi na nasa No.3 post noong 2014.

Sa Kentucky, nasa No.13 si Nyquist, nang iwan ang mga karibal sa layong 1-1/4 length.