TAIPEI (AFP) – Inisnab ng mga official news outlet ng mainland China ang inagurasyon ng bagong pangulo ng Taiwan na si Tsai Ing-wen nitong Biyernes, at hinarang ang social media search sa kanyang pangalan at sa ‘’Taiwan’’.

Nanumpa ang unang babaeng pangulo ng Taiwan, na pinuno ng pro-independence Democratic Progressive Party (DPP), kahapon ng umaga sa presidential palace sa Taipei, naghuhudyat ng pagtatapos ng walong taong paglalapit sa China.

Naghiwalay ang China at Taiwan noong 1949 matapos matalo ang Kuomintang nationalist forces sa civil war sa Communists. Ngunit itinuturing pa rin ng Beijing ang isla na kanyang renegade province at naghihintay ng reunification, sa pamamagitan ng puwersa kung kinakailangan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina