AMIANAN Island, Batanes — Inistablisa ng gobyerno ang presensiya nito sa Amianan Island sa Batanes, ang dulong hilagang bahagi ng Pilipinas, sa pagsisimula ng pagtatayo ng isang monitoring control and surveillance (MCS) station sa loob ng uninhabited area, isang inisyatiba na pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Isang isla sa dulo ng Hilagang Pilipinas, ang Amianan ay may lawak na 300 ektarya, at ang huling isla, kasunod ng Itbayat at Basco, ng kapuluan bago ang international treaty limits na naghahati sa bansa sa mga katabing nasyon tulad ng Taiwan.

Ang MCS station ay magsisilbing poste kung saan maaaring subaybayan ng mga tauhan ng BFAR na binubuo ng halos 10 indibiduwal ang pangingisda sa baybayin ng Amianan Island. Magsisilbi rin itong docking area para sa mga barko ng MCS.

“Our target is to establish our presence even in the farthest points of our archipelago,” sabi ni Perez, idinagdag na ito ay sasawata sa illegal fishing sa bansa.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

“We must protect our territory. We are trying to make BFAR relevant to the [fisheries] sector. We will try to continue doing our best for the sector,” aniya.

Sakay ng MV DA-BFAR ng gobyerno, naglayag si Perez, kasama ang ilang regional director ng ahensiya, mga mananaliksik at mga miyembro ng media, sa baybayin ng Cagayan Province at Batanes para marating ang Amianan Island.

Dinala ng barko ang mga construction material na gagamitin para sa istasyon, kabilang na ang mga semento at patpat na pormal na nagmamarka sa presensiya ng BFAR sa isla. (Madelaine B. Miraflor)