PARIS (AP) — Hindi lalahok si Roger Federer sa gaganaping French Open – ikalawang major tournament ngayong season – ayon sa opisyal na pahayag ng kampo ng multi-titled tennis superstar nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Bunsod ng desisyon, naputol ang record streak 65 Grand Slam tournament ni Federer mula noong 2000.

Sumailalim ang 17-time major champion sa operasyon sa kanang tuhod, ngunit kaagad naman nakabalik sa aksiyon sa Monte Carlo Masters nitong Abril. Subalit, iniinda niya ang tila bagong injury sa likod.

“I regret to announce that I have made the decision not to play in this year’s French Open,” pahayag ng 34-anyos na si Federer sa kanyang pahayag na inilathala sa kanyang website.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang tanging major tournament na namintis salihan ni Federer ay ang 1999 U.S. Open.

“I am sorry for my fans in Paris, but I very much look forward to returning to Roland Garros in 2017,” sambit ng No.3 ranked na may tangan na 88 career title, kabilang ang French Open noong 2009 para makumpleto ang career Grand Slam.