DUMAGUETE CITY – Nangangarag ang Pamahalaang Lungsod ng Dumaguete sa paghahanap ng mga paraan para matugunan ang pangangailangan ng mahigit 200 magsasaka na ang mga pananim ay sinira ng El Niño phenomenon.

Inihayag ni Dumaguete City Administrator William Ablong, na siya ring City Agriculturist, nitong Martes na mahigit 100 ektarya ng lupang tinaniman ng palay, mais, kamatis at iba pang mga gulay ang sinira ng El Niño. Halos 10 barangay ang apektado, kabilang na ang Camanjac, Batinguel, Talay, Bajumpandan, Cantil-e at Junob. Natutuyo na rin ang mga pinagkukunan ng tubig, gaya ng mga sapa, ilog at irigasyon.

Bumili ang pamahalaang lungsod ng mga plastic drum na paglalagyan ng tubig at namamahagi ng drought-resistant seeds para maagapayan ang mga magsasaka.

Hindi binanggit ni Ablong ang tinatayang halaga ng mga pinsala na idinulot ng El Niño sa mga magsasaka ng lungsod. (PNA)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?