T.O.P GMA Records copy

INABUTAN namin sa press launch ng debut self-titled album ng T.O.P. (Top One Project) na umaawit na ng kanilang carrier single na Paggising ang Philippines’ promising boy band.

Ang newest recording group ng GMA Records binubuo nina Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Mico Cruz at Mico Manguba. Bukod sa carrier single, kasama rin sa kanilang album ang Sa’n Na, Kaya Ko Kaya Mo, Bakit Gano’n, Somebody at Alaala.

Ipinagmamalaki ng T.O.P. na ang kanilang first original composition na Sa’n Na ay nabuo sa wisdom na naibahagi sa kanila ni Ryan Cayabyab at ng mga natutuhan nila sa competition. Nakatulong din sa limang young singers na iisa ang drive nila to reach their dreams.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Pinakabata sa grupo si Adrian, 17, from Obando, Bulacan. Inamin ni Adrian na naging inspirasyon niya si Mico M na nagturo sa kanya ng tamang techniques sa pagkanta. Dahil siya ang pinakabata, sineryoso niya lahat ng mga itinuturo sa kanya ng mga kasama niya. Kahit busy na sa career, tuloy studies ni Adrian, incoming first year siya this school year sa UST, sa kursong Communication Arts.

Si Mico M, 22, ang Music Man sa group, ang kinikilalang band leader ng mga kasama dahil siya ang nagga-guide sa kanila sa vocals at overall musicality. Naging member si Mico M ng De La Salle Inner Soul at balik din siya ng studies niya sa La Salle as a fourth year Applied Corporation Management.

Si Louie, 20, ang bad boy ng grupo, mahilig manligaw pero hindi na mabilang kung ilang beses nang nabasted. Member siya ng La Salle Kundirana at balik-UST rin, third year siya sa BS Psychology.

Si Mico C, 21 mula sa Meycauayan, Bulacan ang naka-discover sa sarili mismo na jazz ang mas bagay sa boses niya.

Balik-La Salle naman siya as a third year student of Business Management Philippine Mass Media. Dati rin siyang member ng Kundirana.

Si Joshua, 22, ay hindi na bago sa recording dahil nang mag-OJT siya para sa Mass Communication course niya sa Adamson University, ay sa GMA Records siya na-assign. Nagkaroon na siya ng chance noon na mag-front act sa ilang mall shows ng GMA Records. Naka-pag-guest na rin siya sa ilang drama series ng GMA-7.

Nakakontrata ng two years ang T.O.P. sa GMA Artist Center at three years naman sa GMA Records. Excited na rin silang bumalik sa mall shows to promote their debut album.

Digitally released na ang album at pwede nang i-down load sa iTunes, Amazon, Deezer and other digital stores nationwide. Mabibili naman ang album sa various record bars nationwide at sa www.Lazada.com.ph. (nora calderon)