Hindi pa man pormal ang pag-upo ni Manny Piñol bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) ay sisimulan na nito ang tinawag niyang "bisita sa bukid" kung saan lilibutin niya ang Pilipinas at magtutungo sa mga bulubunduking lugar sa bansa.

Sinabi ni Piñol na nais niyang makita ang kalagayan ng mga magsasaka at makausap ang mga ito upang malaman ang kanilang mga kinakaharap na problema.

Aabutin ng isang linggo ang paglalakbay ni Piñol kasama ang kanyang driver. Uunahin niyang kumustahin ang Leyte, Samar, Bicol, Nueva Ecija at Benguet.

Ayon kay Piñol, ito ay paghahanda niya upang maipaabot ang mga hinaing ng ating mga magsasaka sa mismong inagurasyon ni presumptive president-elect Rodrigo Duterte.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Idinagdag niya na malinaw sa kanya ang dalawang kautusan ni Duterte -- gawing mura ang pagkain para sa mga Pilipino at puksain ang katiwalian sa DA. (Jun Fabon)