Tiniyak ni Bangladesh Ambassador to the Philippines John Gomez na walang Pinoy na sangkot sa pagnanakaw ng US$81 million na naideposito sa lokal na sangay ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC).

Sa ikapitong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Gomez na batay sa imbestigasyon ng kanilang gobyerno, walang sangkot na Pilipino sa itinuturing na pinakamalaking halaga na ninakaw mula sa isang bangko sa kasaysayan.

Nagpasalamat pa si Gomez sa gobyerno ng Pilipinas, partikular sa mga miyembro ng Senado, dahil sa isinasagawa nitong imbestigasyon na nagresulta sa pagkakabawi ng bahagi ng ninakaw na halaga.

Aniya, malinaw na isinagawa sa ibang bansa ang “hacking” sa $81 million at hindi sa Pilipinas, bago nailipat ang naturang halaga sa RCBC-Jupiter Branch sa Makati City.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ang pahayag ni Gomez ay batay na rin sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile kung ano naman ang ginagawa ng gobyerno ng Bangladesh sa nangyaring nakawan.

Hindi naman nakadalo ang mag-asawang Michael at Salud Bautista, ang may-ari ng Philrem Service Corp., na dinaanan ng pera patungo naman sa mga manlalaro ng casino. (Leonel Abasola)