Sheena at Betong copy

“KAMI po ba talaga ang napili ninyong mag-host ng Laff, Camera, Action?” 

Ito ang tanong nina Sheena Halili at Betong Sumaya nang dumating sila sa project conference ng bagong comedy game show na magpapasaya sa Kapuso televiewers sa kani-kanilang tahanan simula sa May 28.

“Hindi po talaga ako makapaniwala na pagtitiwalaan ako ng GMA ng ganitong proyekto,” sabi ni Betong nang makakuwentuhan namin sa press launch. “Nang tawagan pa lamang ako, na-overwhelmed na ako at labis-labis na nagpasalamat. Promise ko po na pagbubutihin ko ang pagho-host ng show dahil naiibang show ito.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“First time ko lamang po mag-host ng isang comedy show at thankful ako sa GMA na binigyan ako nito,” sabi naman ni Sheena. “Bago po ito sa akin at isang challenge kung ano ang maibibigay kong bago sa mga fans at mga supporters ko.

More than ten years na rin ako sa showbiz at iba-iba na rin ang mga roles na nagampanan ko, pero iba itong gagawin namin ni Betong sa show.”

Ipinaliwanag nina Betong at Sheena ang mechanics ng game na may tatlong rounds na paglalabanan ng dalawang teams na ipakikita ang dalawang magkaibang scenario gamit ang limited number of props na makikita sa set. Wala silang susundang script, nasa kanila kung paano sila bubuo ng scenario sa pamamagitan lamang ng props sa set. Then sa second round, magkakasama nila ang special guest performers na hindi nila alam kung tutulungan sila o guguluhin lang ang performance nila. 

Sa final round malalaman ang panalo matapos gawin ang isang scenario gamit ang same props na makikita sa set. Ang mananalo ay tatanggap ng cash prize, trophy and other special prizes.

May panel of three judges na mag-i-evaluate at magbibigay ng score sa kanilang performances: ang veteran comedy writer and director na si Caesar Cosme, comedienne and live performer Gladys Guevarra at ace comedian Sef Cadayona.

Ang ilan sa mga artista na gusto nilang maging guest ay sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Nova Villa, Katrina Halili, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Lovi Poe at iba pang Kapuso stars.

Sa direksiyon nina Phillip Lazaro at Noel Cabacungan, mapapanood ang Laff, Camera, Action tuwing Sabado pagkatapos ng Imbestigador. (nora calderon)