Para sa hangaring makatulong na mapaangat ang kalidad at talentong taglay ng mga collegiate sportswriters mula sa Metro Manila schools, magsasagawa ang Philippine Sportswriters Association (PSA) ng isang seminar sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission na tatawaging PSC-PSA Sportswriters’ Camp sa Mayo 28-29 sa PSC administration building sa Vito Cruz, Manila.

Ang seminar/ workshop ay may dalawang bahagi na pangungunahan ng mga magiging tagapagsalita na sina Francis Ochoa ng Philippine Daily Inquirer, Abac Cordero ng Philippine Star, Joel Orellana ng Business Mirror at Richard Dy ng Fox Sports.

Ibabahagi nila ang kanilang mga kaalaman sa sportswriting bilang isang sining at bahagi ng larangan ng journalism.

Magkakaroon ng maikli at simpleng opening program kung saan panauhin si PSC chairman Ricardo “Richie” Garcia bilang tagapagsalita.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Para sa ikalawang araw, lahat ng mga mapipiling kalahok sa workshop ay magkakaroon ng pagkakataong magamit ang kanilang natutunan sa pamamagitan ng pagsusulat mula sa isang live coverage - ang 2016 Philippine Superliga (PSL) Challenge Cup beach volleyball tournament finals sa Sands at SM By the Bay sa Mall of Asia.

Ang tatlong writers ng mapipiling mga pangunahing istorya ay may nakalaang premyo na P20,000 , P10,000 at P5,000 ayon sa pagkakasunud-sunod.

Libre ang pagpapatala ngunit limitado lamang sa 100 ang bilang ng mga tatanggaping kalahok na eksklusibo lamang para sa mga students writers na hindi pa nagsusulat at nagtatrabaho bilang mga reporters o correspondents ng mga diyaryo at on line websites.

Lahat ng mga gustong lumahok ay maaring magpatala sa [email protected]. (Marivic Awitan)