Ngayong hapon na ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalong senatoriable at party-list group na sumabak sa May 9 national at local elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, dakong 3:00 ng hapon isasagawa ang proklamasyon sa 12 winning senator at party-list group na makakakuha ng puwesto sa Kamara de Representantes.

Ang proklamasyon ay isasagawa matapos ang siyam na araw na canvassing ng Comelec, na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC), sa command center nito sa PICC Complex, sa Pasay City.

Kabilang sa mga kandidatong inaasahang ipoproklama matapos manguna sa canvassing ay sina Franklin Drilon, Joel Villanueva, Vicente Sotto III, Panfilo Lacson, Richard Gordon, Miguel Zubiri, Manny Pacquiao, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, Sherwin Gatchalian, Ralph Recto at Leila de Lima.

National

LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo

Ang mga party-list group naman na nakakuha na ng botong 600,000 pataas ay tiyak na aniyang makakakuha ng puwesto.

Kaugnay nito, sinabi ni Guanzon na hindi niya ipinangangalandakan na ang katatapos na halalan ang pinakamabilis, ngunit tiniyak niyang ito’y mas sistematiko kumpara sa mga naunang automated election sa bansa. (Mary Ann Santiago)