Naniniwala ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na dadami ang abogadong mag-a-apply bilang pulis dahil sa ipinangako ni presumptive president Rodrigo Duterte na itataas ang sahod sa pulisya.

Sinabi ni Supt. Lyra Valera, tagapagsalita ng PNP-Legal Service, na mas maliit ang kasalukuyang sinasahod ng mga pulis na abogado kumpara sa starting salary ng kanilang kabaro na nasa pribadong kumpanya.

Ang entry lavel salary ng abogado na papasok sa serbisyo ay nasa P22,000 hanggang P23,000.

“With the higher compensation for policemen lawyers we will be able to attract more fresh graduates or even ‘yung mga lawyers na seasoned na to come join into the service and serve the Philippine National Police also,” ani Valera.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una nang ipinangako ni Duterte na kapag siya ay naupo sa Malacañang, itataas niya ang suweldo ng mga pulis—na nasa P50,000 hanggang P100,000 base pay—upang mailayo ang mga ito sa tukso ng kurapsiyon at pagkakasangkot sa krimen.

Aniya, hindi nakasasabay sa international standard ang policeman-to-population ratio ng bansa na dapat ay isang pulis sa kada 500 mamamayan, pero ang kasalukuyang puwersa ng PNP ay aabot lang sa 160,000 upang proteksiyunan ang mahigit 110 milyong Pilipino.

Sa hanay ng PNP Legal Service, sinabi ni Valera na kapos ang 93 abogado na humahawak sa kaso ng mga pulis na nahaharap sa asunto dahil sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin. (AARON RECUENCO)