Isang Pilipina ang napatay nang tambangan ng mga rebeldeng Renamo ang isang pampasaherong bus sa Mozambique, iniulat ng pulisya nitong Martes, sa paglala ng kaguluhan sa central region ng bansa.

Naganap ang pag-atake noong Linggo sa Murrotone, malapit sa bayan ng Mocuba.

"The coach was ambushed by Renamo men, resulting in the death of a female foreigner who was Filipino, and f

our others were injured," pahayag ni local police spokesman Ernesto Serrote sa AFP.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinilala ng Philippines embassy sa katabing South Africa ang babae na isang guro na nagtatrabaho sa Mozambique.

"Her name can't be revealed at this stage because we are still busy with internal processes," sinabi ni embassy spokesman Joselito Chad Jacinto sa AFP.

Ayon sa local media, nangyari ang pag-atake malapit sa base ng grupong Renamo, na madalas makasagupa ng mga tropa ng gobyerno nitong mga nakaraang buwan.

Pinara ng mga rebelde ang bus ngunit hindi huminto ang driver, ayon sa ulat ng pahayagang CanalMoz.

Dalawa pang sasakyan ng mga sibilyan ang inatake ng Renamo nitong mga nakalipas na araw, ayon sa ulat.

(Agence France-Presse)