Agad masusubok ang kakayahan ni Nesthy Petecio sa kanyang pagsalang ngayon matapos ang isinagawang draw para sa prestihiyosong 2016 AIBA World Women’s Boxing Championships na gaganapin sa Mayo 19-27 sa Barys Arena sa Aztana, Kazakshtan.
Makakatapat ng No. 6th seed mula Santa Cruz, Davao del Sur ang 7th seed na si Madokka Waida ng Japan sa eliminasyon ng 51 kg ng torneo na magsisilbing qualifying para sa Rio Olympics.
Tanging ang 2015 Palembang Indonesia President’s Cup gold medalist sa bantamweight na si Petecio ang sasabak para sa silya sa Olimpiada matapos na ang kategorya nito lamang ang nakasama sa paglalabanang mga dibisyon sa Rio Olympics na gaganapin sa Agosto 5-21.
Nauna nang inihayag ng International Olympic Committee na paglalabanan lamang sa women’s boxing competition sa Olympics ang mga weight catgegory na 51 kgs., 60 kgs. at 75 kgs.
Kinakailangan ni Petecio, nakapilak noong 2014 World Championships sa Jeju City, Korea at 2013 Naypyidaw SEA Games sa featherweight na makatuntong sa kampeonato dahil tanging dalawang silya lamang ang nakalaan para sa mga magkukuwalipika sa Rio.
Sasabak din sina 2012 World Championship champion at Singapore SEA Games gold medalist Josie Gabuco sa 48-kilogram at Irish Magno sa 54 kg. subalit walang nakatayang silya sa Olympics. (Angie Oredo)