All-out ang suporta ni Senator Antonio Trillanes IV, chairman ng Senate national defense committee, sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Aniya, ang plano ni presumptive President Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang kamatayan—sa pagkakataong ito ay sa pamamagitan ng pagbigti—ay nakadepende lang sa paraan ng pagpapatupad nito.

“But the general intent is to strengthen our laws, specifically against illegal drugs….I am all for that,’’ ani Trillanes.

Matapos akusahan si Duterte ng pagkakaroon ng ill-gotten wealth sa huling linggo bago ang halalan, sinabi ni Trillanes na hindi niya kokontrahin ang lahat ng pinaplano ng susunod na Pangulo ng bansa kapag pormal na itong naluklok sa puwesto sa Hunyo 30.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi pa ng senador na aprubado rin niya ang pagtutol ni Duterte sa K to 12 educational program, sinabing matagal na niyang iginigiit sa Malacañang na pawalang-bisa ito.

Tungkol naman sa balak ni Duterte na magbigay ng shoot-to-kill order sa pulisya at militar laban sa mga papalag sa pag-aresto, sinabi ng dating opisyal ng Philippine Navy na kailangan munang baguhin ng administrasyon ni Duterte ang umiiral na rules on engagement kaugnay ng pagdakip. (Mario B. Casayuran)