WASHINGTON (AFP/AP) – Binati ni U.S. President Barack Obama nitong Martes si Philippines presumptive president-elect Rodrigo Duterte sa landslide victory nito sa halalan, pinuri ang "vibrant democracy" ng bansa at idiniin ang kahalagahan na protektahan ang mga karapatang pantao.

Sa tawag sa telepono kay Duterte, binigyang diin ni Obama ang "enduring values that underpin our thriving alliance with the Philippines... including our shared commitments to democracy, human rights, rule of law, and inclusive economic growth," sinabi ng White House.

"The two leaders affirmed their interest in seeing the relationship continue to grow on the basis of these shared principles," saad sa pahayag.

Napanalunan ng 71-anyos na si Duterte ang malaking bahagi ng mga boto sa presidential election noong Mayo 9, ayon sa unofficial count ng isang poll watchdog.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Sa isang seminar sa Washington nitong Martes ng umaga, sinabi ng deputy national security adviser ni Obama na si Ben Rhodes na umaasa ang Washington "to build on progress made with the last administration" sa Pilipinas.

"This is a new government and we’ll want to hear from them directly what their priorities are," wika niya nang tanungin tungkol sa halalan, idinagdag na nais makita ng Washington ang patuloy na pagsisikap para igalang ang batas at labanan ang katiwalian.

Mauupo si Duterte bilang Pangulo sa Hunyo 30, kapalit ni Benigno Aquino III.