NEW YORK (AP) — Nakuha ng Philadelphia 76ers ang karapatan para sa No.1 pick sa gaganaping Rookie Drafting sa Hunyo.

Nagwagi ang Sixers sa NBA draft lottery nitong Martes (Miyerkules sa Manila) laban sa Los Angeles Lakers at Boston Celtics.

Napunta sa Lakers ang karapatan sa No.2 pick, habang nasa Celtics ang pagpili sa No.3 top rookie.

Tumapos ang 76ers ngayong season na may 10-72 marka, isang panalo ang bentahe sa pinakamasaklap na karta sa 82-game schedule.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The pain that we’ve all gone through, the pain of losing is real. You can’t camouflage it,” sambit ni coach Brett Brown, kumatawa sa 76ers sa lottery.

“The city has been incredibly patient, tolerant, choose any word you want. I think this validates some of the pain we went through,” aniya.

Ito ang ikalawang sunod na taon na pipili ang Lakers sa No. 2. Sa nakalipas na rookie draft, kinuha ng Lakers si D’Angelo Russell. Sa kabila nuito, bagsak ang Los Angeles sa 17-65 sa huling season ni Kobe Bryant.

“It’s been a long year,” pahayag ni general manager Mitch Kupchak.

“Because of the contingencies of the deal, there was a significant chance we would lose the pick. That would have been disappointing. We would have gotten over it and moved on to the summer, but that would have been disappointing.”