NEW YORK (AP) — Pinasinungalingan ni basketball hall-of-famer Dikembe Mutombo ang isyu na may nagaganap na dayaan sa NBA draft lottery.

Naging isyung muli ang ‘conspiracy theory’ sa lottery matapos na batiin ni Mutombo ang Philadelphia 76ers sa pagwawagi sa No. 1 pick sa kanyang Tweet nitong Martes (Miyerkules), ilang oras bago ginanap ang lottery.

Iginiit ni Mutombo, naging miyembro ng Sixers sa kanyang playing days, na nagkamali lamang siya nang kaagad niyang naipadala ang ‘congratulatory message’.

“I want to let people know there was no conspiracy,” pahayag ni Mutombo sa phone interview ng AP.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ayon sa NBA global ambassador, nakatanggap siya ng email mula sa Sixers management kung saan hiningan siya ng kanyang mensahe para sa Philadelphia sakaling manalo ito sa lottery.

Nakakuha ang AP ng kopya ng mga posibleng mensahe na gagamitin ni Mutombo sa kanyang Tweet. Kaagad itong kinopya ni Mutombo at aagad na iponadala sa kanyang email – huli na ng kanyang mapagtanto na hindi pa tapos ang lottery draw.

“It was like maybe 30 seconds, then I realized, ‘Whoa! What did I do here?’” ayon kay Mutombo. “But it was too late. It was out in the air.”

Kaagad naman binura ni Mutombo ang naturang tweet na may kasamang larawan nila ni Allen Iverson, ang kanyang kasangga nang lumaban ang 76ers sa NBA Finals noong 2001.

Pinalitan niya ito ng bagong mensahe na nagsasabing napaaga ang kanyang pagbati, ngunit umaasa siyang mananalo ang Sixers.

“I think a lot of people understood the error that was made,” aniya.