ISKO copy

SA studio ng Tonight With Boy Abunda ay walang bakas ng pagiging talunan sa katatapos na senatorial election ang kasalukuyang bise alkalde ng Manila na si Isko Moreno.

Aniya, kahit pagsisisi ay wala siyang nararamdaman. At kahit may mga kaibigan niya na nagsasabi na mas malaki sana ang tsansa niyang manalo kung pagiging mayor ng Manila ang tinakbuhan kahit na ang dalawang higanteng sina Mayor Erap Estrada at Mayor Alfredo Lim pa ang katapat niya.

“Well, alam n’yo naman kung paano ko inalagaan ang Manila. Hindi ko rin pangarap na mauwi sa wala ang unti-unti na ring pagbabago na nakikita nila sa siyudad. I mean, alam naman nating dahil sa pulitika, eh, nalugmok at napag-iiwanan ang Manila,” sabi ni Isko.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Parehong naging vice mayor ng magkatunggaling sina Mayor Lim at Mayor Erap si Isko, sa pagkakaalam ng marami ay may mga pangako ang dalawa sa kanya na parehong hindi tinupad ng mga ito.

Bakit nga ba hindi na lang siya tumakbo para mayor, with or without endorsement ng dalawa?

“Pangarap ko naman talaga ‘yan. Alam n’yo ‘yan. Pero ngayon, eh, gusto kong ipagpatuloy pa ni President Estrada ang mga nasimulan na niyang magandang pagbabago. I let him run and continue to do same policy that he introduced.

“Alam mo naming naibalik na ang Manila sa pagiging number one ulit, di ba?”balik -tanong sa amin ni VM Isko.

Kahit nasa puso at pangarap niya na maging ama ng Manila, nakikita naman raw niya na malaki ang pag-asang gumanda nang husto ang siyudad sa administrasyon ni Mayor Erap Estrada.

So, bakit hindi na lang congressman ang tinakbuhan niya?

“Kilala n’yo rin naman ako. May isang salita tayo. May pinangakuan na tayo para na tumakbo para sa posisyon na ‘yan,” mabalis niyang sagot, na ang tinutukoy ay ang three termer, number one councilor ng District One na si Coun. Ernix Dionisio.

Mahigit isang buwan na lang ang kanyang panunungkulan sa Manila City Hall at pagkatapos ay may mga plano nang gagawin si VM Isko.

“Well, unang-una marahil, eh, pamilya ko, marami na rin naman akong atraso sa kanila. At least makakasama ko sila ngayon nang matagal na oras. Then, siguro magtayo tayo ng bagong negosyong pagkakaabalahan.

“Do’n muna ang focus and maybe, eh, tatanggap tayo ng offer sa showbiz,” napangiti pang sabi ng mahal ng Manila na si Vice Mayor Isko Moreno. (jimi escala)