Posibleng sa huling linggo pa ng buwan makakasama ng Gilas Pilipinas pool si naturalized Andray Blatche.
Nabigong makarating si Blatche na inaasahang darating nitong Mayo 15 mula US para sana makasama ng Gilas pool na nagsimula nang magensayo para sa gaganaping Olympic Qualifying Tournament sa manila sa Hulyo.
Nakatakdang humarap ang ating national men’s basketball team sa isang mabigat na pagsubok kung saan haharapin nila ang mga world ranked teams na ng France, New Zealand at Senegal sa darating na Manila OQT sa Hulyo 5-10.
Kinumpirma naman ng SBP ang kabiguang makarating sa takdang araw ni Blatche na umano’y nakiusap na maantala ng isa hanggang dalawang linggo ang pagpunta niya ng Pililinas dahil kailangang asikasuhin ang inang may karamdaman.
Bukod kay Blatche, hindi rin nakasama ng Gilas sa kanilang pagbabalik ensayo kahapon sa Meralco Gym ang mga manlalaro ng Alaska at Rain or Shine na siyang nagkalaban sa PBA Commissioner’s Cup finals na sina Calvin Abueva,, Gabe Norwood, at Jeff Chan. (Marivic Awitan)