Nagbabalangkas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga karagdagang regulasyon para tulungan ang mga bangko at iba pang financial institutions na labanan ang mga cyber heist at malimitahan ang pinsala sa anumang systems breach, sinabi ng isang mataas na opisyal.

Ang aksiyon ay kasunod ng pahayag ng Tien Phong Bank ng Vietnam nitong unang bahagi ng linggo na napigilan nito ang attempted cyber heist na kinasangkutan ng paggamit ng fraudulent messages sa SWIFT financial messaging system, ang parehong technique na ginamit sa pagnanakaw sa central bank ng Bangladesh noong Pebrero.

Sinabi ni Nestor Espenilla, deputy governor ng BSP, na lumalawak ang cyber threats.

“That basically reminds us that there is absolutely no room for complacency,” aniya sa mamamahayag. “We consider it to be a very serious threat that financial institutions should really be preparing for.” (Reuters)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji