Binubuo ng 26 atleta mula sa Philippine National Youth Games – Batang Pinoy ang Team Philippines na lalahok sa 6th Children of Asia International Sports Games na gaganapin sa Sakha Republic sa Yakutia, Russia sa Hulyo 6-17.

Ang RP team – tanpo ang 14 na lalaki at 12 babae na may edad 15-anyos pababa – ang mga naging kampeon sa ginanap na tatlong qualifying leg sa Luzon, Visayas at Mindanao pati na rin sa national finals ng 2016 Batang Pinoy na isinagawa sa Cebu City.

Kabilang din sa team ang anim na lalaki at tatlong babaeng coach, gayundin ang ilang opisyal ng Philipine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).

Lalahok ang Pinoy sa iyam na event na archery, athletics, boxing, chess, judo, swimming, table tennis, taekwondo at wrestling.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nagkuwalipika sa archery sina Joseph Andajao ng Zamboanga City at Nicole Marie Tagle mula Dumaguete City na sasamahan ng coach na si Joann Chan Tabanag habang 2 lalaki at 2 babae sa athletics na sina Veruel Verdadero (Dasma, Cavite), Eduard Josh Buenavista (Baguio), Samantha Gem Limos (Cebu) at Aaliyah Ingram (Dasma).

Ang boxing ay irerepresenta nina Christian Pitt Laurente (GenSan) at James Ian Pangga (Cagayan De Oro) kasama ang coach na si Ronald Chavez habang sa chess ay sina Chris Aldritz Pondoyo (Mandaue), John Marvin Miciano (Quezon City), Bea Mendoza (Baguio) at Manilyn Cabungcag (Escalante City) at coach na si Red Dumuk.

Ang judo ay lalahukan nina Sean Levyn Panganiban (Valenzuela City) at Krizza Joy Amisola (Manila) habang ang swimming ay kasama sina Rafael Barreto (Bulacan), Philip Joaquin Santos-Yu (QC), Camille Lauren Buico (QC) at Therese Samantha Coronel (Makati City) at coach na si Marichi Gandiongco.

Ang table tennis ay papaluan nina Jann Mari Nayre (Mandaue City) at Kyla Cielo Bernaldez (Davao Del Norte) habang sa taekwondo ay sina Raymundo Alombro (QC), Marco Antonio Rubio (Bulacan), Beatrice Kassandra Gaerlan (QC) at Abigael Valdez (Caloocan City) at coach na si Dindo Simpao.

Ang wrestling ay binubuo nina Diomel Hugo (Leyte Sports Academy) atr Sydney Tancontian (Davao City) at coach na si Melchor Tomasis. (Angie Oredo)