BAUANG, La Union – Isang 400-anyos na kampana na tinangay ng mga sundalong Amerikano noong 1901 sa isang Simbahang Katoliko rito ang ibiniyahe pabalik sa Pilipinas at dumating na nitong Martes ng gabi sa Clark, Pampanga.

Ayon sa mga ulat mula sa tanggapan ni Mayor Martin De Guzman, ibiniyahe ang kampana mula sa West Point Community sa New York, USA noong Abril 30 at susunduin ng mga tauhan ng gobyerno ng Pilipinas at ilang opisyal ng simbahan sa Clark para sa mga ceremonial rite rito sa Lunes, Mayo 23.

Sinabi ni Myrna Romero, information officer ng pamahalaang bayan ng Bauang, na ang San Pedro Bell—na kilala rin bilang “Barry Bell”, gawa sa gold silver at tanso at nasa 400 kilo—ay isang nawaglit na yaman ng Saints Peter and Paul Church sa bayang ito.

Nabatid na ang kampana ay tinangay ng sundalong Amerikano na si Thomas Barry noong 1901, sa kasagsagan ng digmaang Pilipino-Amerikano. Ibinigay ito ni Barry sa US Military Academy sa West Point, at isinabit sa labas ng kapilya ng akademya. (Erwin G. Beleo)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente