Inoobserbahan ngayon ang 23 katao na kumain sa asong nakapatay sa isang maglolo sa Alabel, Saranggani.
Ayon kay Alabel Municipal Health officer Dr. Renato Fabio, nalantad ang 23 residente sa prophylaxis rabies.
Batay sa pag-aaral ni Fabio, nagmula ang rabies sa aso na kumagat at nakapatay sa maglolo na sina Mario Moy, 51; at Kenneth John Kolino, 9, sa Purok Molina, Barangay Alegria, Alabel, Sarangani.
Marso 1 nang makagat ng aso si Kolino at namatay noong Marso 3, habang Abril 21 naman nakagat si Moy at namatay makalipas ang tatlong araw.
Sa galit ng mga kaaanak, kinatay ng mga ito ang aso na kumagat sa maglolo. Iniwan at inadobo ang karne ng hayop, habang kinilaw naman ang atay ng aso.
Sinabi ni Fabio na nabigyan na ng anti-rabies ang 23 habang inoobserbahan na sa ospital ang kalagayan nila ngayon. (Fer Taboy)