COLOMBO, Sri Lanka (AP) – Mahigit 200 pamilya ang pinangangambahang nabaon sa mga mudslide na bunsod ng pag-ulan sa tatlong bayan sa central Sri Lanka.

Sinabi ni military spokesman Brig. Jayanath Jayaweera na 16 na bangkay na ang narekober, habang 150 katao ang nailigtas sa mga landslide nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Sri Lankan Red Cross, 200 pamilya pa ang nawawala mula sa mga bayan ng Siripura, Pallebage at Elagipitya sa Kegalle District, may 72 kilometro mula sa hilaga ng Colombo.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture