NAGSANIB-PUWERSA sina Prince Harry at ang Duke and Duchess of Cambridge sa ilulunsad na bagong mental health campaign sa unang araw ng Mental Health Awareness Week. Silang tatlo ang namamahala ng “Heads Together” project.

Sabay-sabay dumating sina William, Kate at Harry sa makasaysayang Queen Elizabeth Olympic Park noong Lunes ng umaga.

Ang Duchess, 34, ay nakasuot ng puting blouse na Goat na tinernohan ng paldang Banana Republic.

Hindi nagtagal ay nakihalubilo na si Kate sa grupo ng kabataan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

 

“I’m really shy and the puppets really help me speak about things,” pahayag ng isa sa mga bata na si Maggie, 10, ng Curwen Primary School. “The Princess really understood that. She said, ‘I do feel shy too, everybody is shy a little bit.’”

Isa lang ang Place2Be sa pitong charity na kabilang sa “Heads Together” campaign. Sa isa pang pagkakataon na nagpapalaganap ng Mind charity, sinubukan ni Kate ang boxing at kinilig nang magawa at makuha niya ang technique.

 

Ayon kay Duke McKenzie, isang world champion boxer na namuno sa session, si Kate ay parang isang bibe sa tubig. “She couldn’t wait to get the gloves on and had a wicked punch,” natatawa nitong pahayag.

Si Harry, na kababalik lamang mula sa paglulunsad ng Invictus Games sa Orlando, ay nakunan din ng litrato habang may ka-sparring. “Prince Harry packs a punch,” ani Duke. “I think he wanted to take me out!” Inamin ng prinsipe na nagbo-boxing talaga siya bilang pampawi ng stress. (Hello Magazine.com)