Mayo 18, 1920 nang isilang si Karol Jozef Wojtyla, na nakilala bilang si Pope John Paul II, sa bayan ng Wadowice sa Poland. Nag-aral siya ng pilosopiya at literatura sa Jagiellonian University sa Krakow. Ang iba niyang kapamilya ay namatay noong 1941.

Nagsimula siyang sumailalim sa seminary training noong 1942, at naordinahan noong 1946. Itinalaga siyang auxiliary bishop ng Krakow noong Hulyo 1958, at nakilala sa kanyang charisma at talino. Taong 1967 nang maging cardinal siya.

Taong 1978, iilan lang ang nag-akalang siya ang magiging susunod na Santo Papa, matapos ang pagpanaw ni Pope John Paul I. Nakapagsasalita si Wojtyla ng walong lengguwahe.

Nakilala si Wojtyla sa pagkondena sa death penalty, abortion, homosexual sex, at contraception. Namatay siya dahil sa mga kumplikasyon noong Abril 2005.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC