COLEEN, PIOLO AT DAWN copy

MAGIGING object of affection si Piolo Pascual ng dalawa niyang leading lady na sina Coleen Garcia at Dawn Zulueta sa Love Me Tomorrow. Para sa aktor, ito na raw ang pinaka-daring na role na kanyang nagampanan sa loob ng ilang taon niyang paggawa ng pelikula sa Star Cinema.

“Actually, in my launching film Lagarista I went all out and even in Dekada 70. So I’ve done crazier stuff but it’s a role. That’s the first thing I said (to the management), ‘Ano ba ako dito, karne?’,” sabay biro.

Sabi raw ng Star Cinema execs, “‘Oo!’ So, okay, at least alam ko, di ba? So workout na lang muna ako nang workout.”

Human-Interest

WFH employee, nagbigay-pugay sa supportive niyang ina: 'Dahil pala sa kaniya...'

Wala naman daw problema sa kanila ni Dawn dahil sanay na silang gumawa ng heavy drama.

“We wanted to do something light since when we do TV iyakan and drama and everything, so this is a good diversion for us as well,” ani Piolo.

Itinuturing ni Piolo na malaking karangalan na makasama si Dawn sa trabaho.

“When I saw her sa last movie niya, I saw her passion. She doesn’t compromise, you know. ‘Yung excitement niya as an artist, it has not faded and it’s what I appreciate in her as an artist. She doesn’t rest on her laurels. She’s always challenged by what she’s given. Kaya nga na-intimidate ako sa first few days kasi alam na alam ni Ms. Dawn ‘yung ginagawa niya. Hiyang hiya naman ako kaya nagpursige ako lalo, and it’s always nice to work with people that have the same passion for their craft because mas matututo ka, mas makakapag-explore ka, mas reresputuhin mo ‘yung trabaho mo and that’s what I saw from her that’s why nagpursige ako sa pelikula na ito,” kuwento ng hunk actor.

Kadalasan ay rom-com ang ginagampanang role ni Piolo. Hindi naman daw niya ito (love story na may third party) hinihiling pero ang ganitong tema sa pelikula ang gusto ng mga tao.

“I guess ito lang siguro ‘yung na’bibigay na concept and we do so much drama on TV anyway so sa movies siguro mas maganda na mas light para may iba namang flavor. And when this was pitched to me, that was my first concern, kung masyadong malapit sa last role ko sa Breakup Playlist as a musician so we had to make sure na ibang-iba siya as a character. Siguro hindi naman sumasadya na luma-light lang (ang roles), siguro it’s the signs of the times. Ngayon mas gusto ng mga tao na light ang napapanood nila, so sumasabay lang tayo, umaayon lang,” paliwanag pa ng aktor.

(ADOR SALUTA)