Apat na Pilipinong atleta na kinabibilangan ng isa sa tatlong babae na nakaakyat sa ituktok ng Mount Everest ang kakatawan sa Pilipinas sa gaganapin na kampeonato ng Under Armour Asia-wide challenge na Test of Will , sa Mayo 28 sa Singapore.

Ang apat ay kinabibilangan ng mga beteranong cross-fit hobbyist na sina Derrick Mercado at Merwin Torres sa men’s division, habang sa women’s division ay ang tinaguriang “Fittest women in Philippine Crossfit” na si Zoe Pond-McPherson, at ang miyembro ng Philippine Everest Expedition na si Noelle Wenceslao.

“This is part of a platform program of Under Armour in helping our athletes where we are trying to help, not just the elite athletes, but also in the grassroots where we wanted to support other upcoming talented athletes,” pahayag ni Under Armour CEO at Managing Director Christine Majadillas.

Makakasagupa ng apat na Pilipinong atleta, nangibabaw sa mahigit na 100 sumali sa ginanap na torneo sa Bonifacio Global Street sa Taguig City noong Abril 16-17, upang irepresenta nito ang bandila ng Pilipinas kontra sa mga nagwagi naman mula sa Singapore, Malaysia at Thailand.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ang Test of Will ang unang aktibidad ng Under Armour na ukol sa Southeast Asia-wide fitness challenge kung saan magkakasukatan sa apat na functional exercise ang mga atleta na gaganapin sa Gardens by the Bay sa Singapore.

Sinubok ang lahat ng kalahok sa kanilang limitasyon sa lakas at tibay sa apat na minutong torneo na kinakailangan nito na kumpletuhin ang 60 segundo na apat na exercise tulad ng burpees, squat, dumbbell press at ang pull-ups.

Si Wenceslao ang lumabas na pinakamatibay sa lahat ng 301 kalahok matapos manguna sa Test of Will Manila leg at sa female category sa pagtatala nito ng 243 total repetition. Pumangalawa si Pond-McPherson na nakatapos ng 213 reps.

Ang 37-anyos na nagtapos ng Bachelor of Physical Education sa UP Diliman na si Wenceslao ay una nang nakaakyat ang Mount Everest noong 2007 at naging miyembro ng Philippine Dragonboat Team ng Philippine Coast Guard na nagwagi ng 5 ginto, 1 pilak, at 1 tanso sa katatapos lamang na Adelaide Club Crew Championships sa Australia. (Angie Oredo)