Raptors Cavaliers Basketball

CLEVELAND (AP) — Hindi kinalawang bagkus isang nalangisang makina mula sa walong araw na pahinga ang Cleveland Cavaliers para patahimikin ang Toronto Raptors, 115-84, nitong Martes ng gabi (Miyerkules sa Manila) sa Game 1 ng Eastern Conference Finals.

Mistulang nagsagawa ng basketball clinics ang Cavs, sa pangunguna nina Kyrie Irving at LeBron James, kumana ng 27 at 24 puntos, ayon sa pagkakasunod, laban sa Raptors na sumabak sa conference finals sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng prangkisa.

Kumana ang Cavaliers ng mataas na 67 percent sa field sa first half tungo sa kahanga-hangang 9-0 marka sa postseason. Ang Cleveland ang kauna-unahang koponan n nakapagtala ng siyam na sunod na panalo sa playoff mula nang maitala ng San Antonio ang 10-0 noong 2012 season.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kumana si DeMar DeRozan na may 18 puntos sa Raptors, habang tumipa si Bismack Biyombo ng 12 puntos para sa Toronto.

Nalimitahan si Kyle Lowry, kumubra ng 35 puntos sa Game 7 laban sa Miami Heat, saw along puntos.

Gaganapin ang Game 2 sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa tahanan ng Cavs na Quiker Loans Arena.

Mainit ang simula ni James na bumuslo sa kanyang unang siyam na tira, tampok ang makawasak rim na dunk.