MAHIGIT isang taon ding walang regular soap si Louise delos Reyes, dahil 2014 pa iyong huli niyang ginawang Kambal Sirena. Pero wala naman siyang reklamo dahil hindi naman siya nawawalan ng guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7, drama man o sitcom.

Pero dumating din ang punto na gusto niya munang ituloy ang pag-aaral upang makamit ang pinapangarap niyang college diploma at kumuha ng Law.

“Nagtanung-tanong na po ako sa muli kong pagpasok ng college, pero biglang dumating itong offer ng Magkaibang Mundo, kaya hindi na muna ako tumuloy mag-enrol,” sabi ni Louise. “I guess, sa acting po talaga muna ako, p’wede ko namang ituloy ang Law anytime na gusto ko.”

Kapansin-pansin na sexy na ang figure ni Louise, may bago ba siyang plano sa kanyang pag-aartista ngayon?

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

“Ready na po ako ngayon na magpa-sexy, kung may offer, tatanggapin ko. I’m turning 24 na, hindi na ako tween, kaya medyo nagbi-bikini na ako kapag nasa beach. Medyo confident na ako sa figure ko ngayon kaysa noong nagsimula ako na medyo chubby pa ako. Ngayon, pinaghihirapan ko ang paggi-gym at may diet akong sinusunod.”

Ang kanyang vital statistics, 34-25-36 na.

Biniro si Louise kung ready na ba siya sa more mature role sa bago niyang leading man, si Juancho Trivino?

“Opo naman, kasi matagal na kaming magkaibigan ni Juancho kaya comfortable na kaming magkasama, natuwa nga ako nang malaman kong siya ang bago kong leading man, sa bago naming fantasy-drama series na Magkaibang Mundo dahil si Juancho ay si Elfino, isang duwende na natutunan kong mahalin, hindi ko alam na hindi pala siya normal na tao.”

Kumusta naman ang api-apihan niyang role bilang si Princess, na laging pinahihirapan ni Ms. Gina Alajar?

“Okey lang po sa akin ‘yong mga eksenang ‘yon. Lagi nga akong nilalapitan ni Direk Gina tuwing matatapos ang eksenang sinasampal niya ako, sinasabunutan, pero kasama po iyon sa trabaho ko, at alam ko namang hindi gustong gawin sa akin iyon ni Direk Gina, na una kong nakasama noong idirek nila kami sa Tween Hearts noong bago pa lang ako sa GMA-7.”

Hindi rin nakaligtas tanungin si Louise tungkol sa kanyang lovelife. Ngayon lang niya nilinaw ang tungkol sa pagkaka-link niya noon kay Aljur Abrenica. Hindi raw sila nagkaroon ng relasyon ni Aljur, siguro napaghingahan lang siya ng loob ng actor nang panahong iyon na may pinagdadaanan ito.

Itinanggi rin niya ang balitang boyfriend niya ang vocalist band member na si Champ Luo de Pio. Barkada lang daw niya ito at kung minsang may gig ito at ang banda nito, naiimbita siyang manood.

“Marami po akong gustong magawa ngayon, kaya ang focus ko muna ang sa trabaho ko kasi medyo mahirap ang role na ginagampanan ko ngayon.”

Mapapanood ang Magkaibang Mundo sa Afternoon Prime block ng GMA-7 simula sa Lunes, May 23, after ng Eat Bulaga, mula sa bagong director na si Mark dela Cruz. (nora calderon)