Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Agosto, tatanggap na ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng mga lahok para sa Gawad KWF sa Sanaysay, na may temang âFilipino: Wika ng Karununganâ.
Bukas ang Gawad KWF sa Sanaysay sa lahat ng nais magpasa ng kanilang orihinal na sanaysay na nakasulat sa Filipino, para sa mga kategoryang agham-pangkalikasan, agham panlipunan, matematika o anumang kaugnay ng mga ito.
Kikilalanin naman bilang âMananaysay ng Taonâ at tatanggap ng P30,000 ang tatanggap ng unang gantimpala, habang ang ikalawang gantimpala naman ay mayroong P20,000, at P15,000 naman sa ikatlo.
Tatanggapin ng KWF ang mga lahok hanggang sa Hulyo 8, 2016, 5:00 ng hapon. Ipadala ang sanaysay sa Watson Bldg., J. P. Laurel Street, San Miguel, Manila.
Ang mga interesado ay maaaring bumisita sa kwf.gov.ph o tumawag sa 736-2519 para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kumpetisyon.
Noong nakaraang taon, nanalo ang obra ni Mark Anthony Angeles na âMalapit sa Bituka: Kaliwaang Kawing ng Filipino at ng Tunay na Pambansang Kaunlaranâ. (Pamela Ann C. Bangayan)