Tutulak patungong Fujian, China ang apat na kataong delegasyon ng Philippine weightlifting team upang kumpletuhin ang pagsasanay at paghahanda nina Hidilyn Diaz at Nestor Colonia para sa Rio Olympics.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) Cluster Head Romeo Magat, aalis sa Biyernes ang koponan para sa dalawang buwang pagsasanay sa pangangasiwa ng world-class coach at trainer sa Mainland.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“They (Diaz at Colonia) will be training there for the next two months, or up to the last two weeks before going directly sa Rio De Janiero,” sabi ni Magat.

Hinihintay na lamang nina Magat at maging ng PWA, POC at Philippine Sports Commission (PSC) ang opisyal na kumpirmasyon kina Diaz, na inaasahang sasabak sa kanyang ikatlong sunod na Olimpiada, at kay Colonia, na kinakailangan na manatili sa Top 8 ng kanyang kategorya.

“We can’t confirm it although they mentioned na mayroon nang mga country quota o delegate. We are still waiting for the official confirmation from their international federations which will be on June 20,” sabi ni Magat.

(Angie Oredo)