baron copy

NAGPALIWANAG na si Baron Geisler, sa pamamagitan ng kanyang post sa kanyang Facebook account, tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya with UP student Khalil Verzosa, na napanood sa viral video na niri-wrestling niya.

Paliwanag ni Baron, may shooting siya that day sa Laguna, alas-9 ng umaga ang kanyang call time, pero ipina-pack-up niya ng alas tres ng umaga (the following day) para lamang mapuntahan ang sinasabing thesis shoot sa UP, na pinangungunahan nga ni Khalil.

“Pagod na pagod ako that time. From Laguna, dumiretso ako sa kanila kahit halos 2 hours lang ang tulog ko kasi gusto ko silang tulungan sa thesis nila. Okay lang kahit Laguna pa ako galing, kahit malayo, sige lang, wala namang problema sa akin ‘yon, eh,”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bago naganap ang insidente, ani Baron, “Limang araw ko nang hiningi ang script dahil kung passionate talaga sila sa ginagawa nila dapat 2 days before ibinigay na nila sa akin. Hindi ‘yung pagdating ko sa set bibigyan nila ako ng idiot board. Doon ako pumitik, do’n ako sumabog.”

Ang ipinagtataka raw ni Baron, bakit kinunan ang ganoong insidente at hindi man lang nagkapaliwanagan na lang.

Bagkus, ipinost kaagad ng estudyante sa Facebook? Feeling ni Baron, sinadya siyang i-provoke para magalit at makunan ang ganoong pangyayari.

“Sinadya ba nila ‘yon? Ginamit ba nila ako para sa kanilang social experiment?” tanong ni Baron.

Nasasaktan si Baron dahil agad siyang hinusgahan ng mga tao lalo na ng netizens. Pinagbibintangan pa siya ng iba na nakainom o nakadroga nang mangyari ang insidente.

“Hindi naman ako lasing, hindi naman ako nakainom, hindi naman ako nakadroga. Do’n ako nagagalit. Lalo na do’n sa mga post na puro droga, droga, droga isyu. Kaya nga sabi ko, ‘O, di magpa-test tayo ng dugo’ para makita nila kung talagang nagdodroga ako. Eh, mali naman talaga sila, eh,” aniya.

“Ang sama ng mga pangyayari at ang sama ng mga tao minsan. Bigla na lang silang magju-judge, ang gusto ko lang naman ay ang magtrabaho. Ako na nga itong tumutulong sa kanila, pagod na pagod at hindi nila naiintindihan na call time ako ng 9 AM at pack-up ako ng 3 AM para lang sumegue sa kanila.

“Naniniwala ako sa vision mo, Khalil dahil gusto mo din maiba ang proyekto mo sa mainstream. Pare, ‘wag mo nang gamitin ang beastmode.

“Sige kung nag-beastmode man ako sa tingin mo kasalanan ko ba talaga? Hindi ko alam kung ano ang intensyon mo para ilabas ang video na ‘to. Para ano? Siraan ako, sirain ang image ko?

“Brad, hindi ako takot dahil matagal na siyang sira. Sige, kasuhan mo ‘ko, brad, magkita na lang tayo sa korte,” hamon niya.

Ang huli niyang mensahe kay Khalil: “Unang-una, wala naman tayong kontrata, ano ba talaga tingin mo sa ‘kin, tanga?

‘Wag mong sabihing dahil student film, eh, iintindihin ko dapat kayo.”

Sey pa ni Baron, “Para naman sa co-actors ko, pasensiya na po kayo kung napahiya ko kayo at nag-alala para sa akin.

Para naman po sa mga naniniwala sa akin maraming salamat po.

“Hanggang ngayon masama pa rin ang aking pakiramdam lalo na alam nilang lahat na imbes na gawin ko ‘yung proyektong ito na for free iniwan ko ang nanay ko na may sakit. Sino ba ang hindi magagalit doon? Sana malinaw na po ang lahat.

Ang hirap nito sa sobrang sama ng pakiramdam ko kailangan ko pang linawin ang lahat, para sa aking ina na unti-unting nalalanta,” emosyonal niyang pahayag. (Ador Saluta)