delatorre copy

Malaki ang mawawala kay reigning World Boxing Federation (WBF) super featherweight champion Harmonito “Hammer” Dela Torre kung matatalo sa kanyang unang laban sa Estados Unidos sa Mayo 28 matapos siyang itala ng World Boxing Association (WBA) bilang No. 15 contender sa bagong kampeon na si Jeezrel Corrales ng Panama.

Ayon sa manager ni Dela Torre na si Sanman Promotions big boss Jim Claude “JC” Manangquil, makakatapat ni Dela Torre si Puerto Rican Guillermo Sanchez sa loob ng 8 round sa Seneca Niagara Resort and Casino, Niagara Falls sa New York.

Nananatiling walang bahid ng talo ang tubong General Santos City na si Dela Torre, na may 17 sunod na panalo, kabilang ang 12 knockout, samantalang mayroon namang masamang rekord na 15-18-1 win-loss-draw ang kaliweteng si Sanchez na dating WBC Youth lightweight champion

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I’m very happy and excited that my fight in the US will finally push through,” sambit ng 22-anyos na si Dela Torre, dating WBF International at Philippine Boxing Federation (PBF) super featherweight titleholder.

Nakatakda sanang nakaharap ni Dela Torre si Wanzell “Venom” Ellison ng New Jersey noong Oktubre 23 sa Celebrity Theatre sa Phoenix, Arizona ngunit hindi siya natuloy dahil nahuli ang pag-aaproba ng kanyang visa kaya nakansela ang nasabing laban.

“We would like to thank Greg Cohen and Adam Wilcock for giving him again another chance to fight in the USA,” sabi naman ni Manangguil.

Huling ikinasa ni Dela Torre ang impresibong 2nd round technical knockout kay Richard Betos noong Nobyembre 14 sa Maasim, Sarangani Province.

“His fight against Betos was a tune-up after his stint in US was cancelled already,” dagdag ni Manangquil.

Sinimulan ng 5-foot-8 na Dela Torre ang training para sa kanyang US debut simula nang magbukas ang taon at umaasa siyang patutulugin si Sanchez para umangat sa WBA ranking. (Gilbert Espena)