PARIS (AFP) – Ang China at India ay tahanan ng mahigit ikatlong bahagi ng mga taong may sakit sa pag-iisip, ngunit kakaunti lamang ang nakatatanggap ng tulong medikal, ayon sa mga pag-aaral na inilabas nitong Miyerkules.
Mas maraming tao sa dalawang pinakamataong bansa sa mundo ang may iniindang mental, neurological at substance use problem kaysa lahat ng pinagsamang mayayamang bansa, natuklasan sa pag-aaral.
Mas bibigat ang pasaning ito sa mga susunod na dekada, lalo na sa India, na tinataya ang isang quarter na pagtaas sa 2025.
Samantala, ang China ay problemado sa mabilis na pagtaas ng dementia sa tumatandang populasyon nito, bunga ng istriktong polisiya sa birth control na ipinatupad mahigit 35 taon na ang nakalipas.
Ang dalawang bansa ay walang sapat na kakayahan para tugunan ang kanilang mental health needs, ayon sa tatlong ulat, na inilathala sa medical journal na The Lancet at The Lancet Psychiatry para markahan ang paglulunsad ng China-India Mental Health Alliance.