Direk Carlo J. Caparas copy

IPINAAARESTO ng Court of Tax Appeals (CTA) ang film producer/director na si Carlo J. Caparas kaugnay ng kinakaharap na kasong tax evasion.

Paliwanag nina Associate Justices Juanito Castañeda Jr., Caesar Casanova at Amelia Cotangco-Manalastas, nakitaan ng probable cause ang two counts ng kasong tax evasion ni Caparas upang ito ay litisin sa hukuman.

“After personally examining and evaluating the information, the documents attached thereto and the records of preliminary investigation, the court finds probable cause for the issuance of a warrant of arrest against the accused,” paliwanag ng 2nd Division ng CTA sa kanilang ruling kahapon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

 

Gayunman, itinakda pa rin ng korte ang P20,000 na piyansa ni Caparas sa bawat bilang ng kaso nito, para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

 

Sa kasong isinampa ng Department of Justice (DOJ) nitong nakaraang buwan, tinukoy na nilabag umano ni Caparas ang Section 255 ng National Internal Revenue Code (NIRC) dahil sa umano’y pagkabigo nito na ihain ang kanyang income tax returns (ITRs) para sa taong 2008 at 2009.

Si Caparas ay kasalukuyang nahaharap sa tax evasion case sa isa pang dibisyon ng CTA dahil sa umano’y pagkabigo nito na maiharap ang value added tax returns para sa taong 2006-2009 na nagresulta sa hindi niya pagbabayad ng buwis na P101.819 milyon. (rommel tabbad)