Nasa P1 milyon halaga ng ari-arian ang napinsala sa sunog na tumupok sa isang bahagi ng Batasan Pambansang Complex sa Quezon City nitong Lunes ng gabi.
Ayon kay Fire Supt. Jesus Fernandez, Quezon City Fire Marshall, batay sa paunang imbestigasyon, natupok ang hilagang bahagi ng Kamara sa Batasan Hills, Quezon City, dakong 9:03 ng gabi.
Sinabi ni Fernandez na nasa gusali ang ilang tanggapan ng mga kongresista.
Dakong 9:42 ng gabi naapula ang sunog.
Bagamat umabot lang sa unang alarma, nagtamo pa rin ng pinsala ang mga naapektuhang lugar.
Walang nasaktan sa sunog.
“Problema sa kuryente ang tinitingnan naming cause ng sunog,” aniya. (Francis T. Wakefield)