MINNESOTA (AP) – Napiling NBA Rookie of the Year si Timberwolves center Karl-Anthony Towns, ayon sa isang opisyal na may direktang kinalaman sa proseso.

Nakatakdang ipahayag ng NBA ang resulta ng botohan sa Lunes (Martes sa Manila).

Naitala ng No. 1 overall pick mula sa Kentucky ang impresibong estadistika para sa isang 7-footer mula nang mapahanga ni Tim Duncan ng San Antonio ang basketball fans.

Nakuha niya ang averaged 18.1 puntos, 10.7 rebound at 1.7 block para pangunahan ang Timberwolves sa karagdagang 13 panalo mula sa nakopo nila sa nakalipas na season.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakapaglaro si Towns ng kabuuang 82 laro at tinanghal na Western Conference rookie of the month sa loob ng anim na buwan ng season.

“He’s going to be a Hall of Famer in this league,” pahayag ni Oklahoma City star Kevin Durant.

Si Towns ang ikalawang sunod na Timberwolves player na nagwagi ng Rookie of the Year award kasunod ng kasanggang si Andrew Wiggins na nanalo sa nakalipas na season.