Ibinasura na ng Court of Tax Appeals (CTA) ang dalawa sa mga kaso ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Idinahilan ng hukuman ang pagpanaw ni Corona noong Abril 29 makaraang atakehin sa puso. Siya ay 67 anyos.

Sinabi ng CTA na hindi na maaaring idiin sa kaso ang isang akusado kung pumanaw na ito dahil hindi na nito maipagtatanggol ang sarili.

Nag-ugat ang mga kaso ni Corona sa umano'y hindi nabayarang buwis ng kanyang ari-arian na aabot sa P120 milyon noong siya pa ang Chief Justice ng Korte Suprema.

National

SILG Remula kay Rep. Leviste: 'Niloko niya ‘Pinas, harapin niya muna problema niya!'

Ang naturang kaso ay isinampa ng Department of Justice (DoJ) sa CTA noong Marso 2014.

Matapos ang ilang linggo, sinampahan din si Corona ng Office of the Ombudsman ng kasong sibil sa Sandiganbayan dahil sa hindi maipaliwanag na yaman, na aabot sa P130 milyon, at ng kasong perjury at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials. (Rommel P. Tabbad)