Dapat dagdagan ang mga insentibo at benepisyo ng mga doktor sa kanayunan upang mahikayat silang manatili sa mga lalawigan.

Naghain si Bohol 3rd District Rep. Arthur C. Yap ng House Bill 6391 (Rural Health Unit Doctors and Other Benefits Act) na layuning pigilan ang migration o pagtungo sa mga siyudad at ibang bansa ng mga doktor upang magkaroon ng sapat na pangangalagang-pangkalusugan ang mga tagabaryo.

Batay sa panukala, ang mga doktor sa probinsiya ay bibigyan ng hazard allowance, scholarship, at gastusin alinsunod sa umiiral na mga batas. (Bert de Guzman)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito