Mahigitan ang naging performance ng koponang sumabak para sa bansa noong nakaraang taon ang tatangkain ng pito- kataong muaythai squad na ipapadala ng Muaythai Association of the Philippines sa Muaythai World Championships 2016 na gaganapin sa Jonkoping sa Sweden.

Ito ang misyon ng apat na seniors at tatlong junior Filipino muaythai artists na sasabak sa nasabing kompetisyon na idaraos sa Mayo 19-29.

Ang World Championships na ito ay magsisilbi ring qualifier para sa World Games 2017 na gaganapin sa Wroclaw, Poland.

Tatangkain ng mga senior muaythai artists na sina Arlene Ranes(48kg), Peter Mark Bayaras (57kg), Philip Delarmino(54kg) at Jonathan Polosan (63kg) kasama ng mga juniors na sina Jhen Yhen Berdon (40kg), Jessa Rivera (43kg) at Rudsma Abubakar (45kg) na mahigitan ang dalawang ginto at tatlong silver medal na napanalunan ng mga Pinoy noong nakaraang taon sa Thailand.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ayon Kay Muaythai Association of the Philippines Pearl Anne Managuelod, pinaghandaang mabuti ng delegasyon ang kanilang gagawing pagsabak sa kompetisyon kaya naman optimistiko silang maaabot ang kanilang target. (Marivic Awitan)